Sunday, June 28, 2009

ANO ANG EDUKASYON PARA SA'YO?



Tanging edukasyon ang bagay dito sa mundo ang hindi pwedeng manakaw sa isang tao, ika nga.

Sa panahon ngayon, di maikakaila na pati ang edukasyon ay mahirap n ring abutin dahil sa taas ng matrikula. Ang ating mga mauling na di magkanadamyaw sa paghahanay ng ating pangmatrikula para lang matustusan ang ating pag-aaral. Lahat na ata ng possible trabaho na malakia ang swelda ay kanila ng ginawa. Pero meron din naming mga magulangna wala ng magawa para maipasok ang kanilang anak at sa halip ay napapahinto ang kanilang anak sa pag-aaral at kung minsan ay nagiging katuwang pa ng magulang sa paghahanap-buhay.

Mapalad tayo at tayo ay naira’s pa ng ating mga magulang ang ating pag-aaral at nakakapag-aral sa isang pribadong paaralan. At mapalad din tayo na sa bawat klasrum na ating pinapasukan ay mayroong TV, computer, OHP, at kung anu-ano pang mga catamite na ating magagamit sa ating pag-aaral na nakakatulong para padaliin ang ating pag-aaral.

Pero hindi maiiwan na sa isang nagbibinata at nagdadalagang mga kabataan ay nawawala sa ating prioridad ang ating pag-aaral at mas inaatupag pa natin ang kung anu-anong walang kapararakang mga bagay. Sa halip na gugulin natin ang ating oras sa pagbabasa ng ating mga libro ay mas gin gusto nating nasa harap ng komyuter at laptop at tinatapik ng keyboard.

Minsan sumasagi sa isipan ko ang iba ngang bata ay gustong-gustong mag-aral at ako tong nakakapag-aral ay minsan ay mas inuuna ko pa ang ibang mga bagay. Masuwerete tayo at nakakapasok tayo araw-araw sa paaralan kaya atin itong patina ng pansin. Ito ang maghahanda sa atin para sa magandang kinabukasan. Samantalahin natin ang pagkakataong makapag-aral dahil kapg ito’y nawala di na natin ito magagawang balikan muli.

oswaldfabisablay
28june2009

Sunday, June 21, 2009

SI JUAN AT ANG KANYANG SENTIMIENTO

Nabasa natin sa mga libro ang kadakilaan ng ating mga ninuno para mabawi ang ating bansa mula sa mga banyaga. Nakabasa tayo ng mga nobelang nagtatago ng lihim na pagtuligsa. At nasaksihan natin ang milyong-milyong Pilipino na nagkaisa para makalaya sa malupit na rehimen.

Simula’t simula pa lamang ay palaban na ang mga Pilipino lalo na’t kung alam nilang sila ay naaapi at ninanakaw ang kanilang karapatan at kalayaan… Kalayaan sa malulupit na kamay ng mga banyaga, kalayaan sa adminitrasyong mali ang pamamalakad at kalayaang magkaroon ng sariling kalayaan.

Pero sa labang ito, tila nawawala ang mga Pilipinong kabataan at mistulang iniwanan ang mga “matatanda” sa gitna ng laban. Di masabi ang tunay na dahilan kung bakit nawala ang pinakamakapangyarihang sa lahat ng mga mamamayan.

Mistulang binulag na ng makabagaong teknolohiya ang mga mata. Mistulang nabingi ang tenga sa mga paulit-ulit na daing ng taong-bayan. Mistulang naubos na ang boses at tuluyang napipi dahil sa patuloy na pagsigaw para sa katarungan.

Nabulag na ang dating mga matang mapagmatiyag. Nabingi na ang dating mga tengang bawat tunog mula sa lahat ng parte ng bansa ay maddened. Napipi na ang dating boses na sumisigaw para sa katarungan.

Pero hindi lahat ng kabataan ay nabulag, nabingi at napipi. Mayroon pa rin kahit papanong mga kabataang nakatakas sa kalupit ng mga manlulupig. At sila ang pumipilit na buhay muli ang damdaming makabayan sa bawat batang Pilipino.. Nandyaan ang ang kabataan gumagawa ng mga “blogs” na nagmumulat sa mga mata ng Pilipino. Nandyaan ang mga kabataan na mapapanood sa mga telebisyon na nagtatalakay sa mga isyung dapat malaman ng kabataan. Nadyaan din ang mga batang manunulat na patuloy na nagsusulat ng mga obra-masestra na hindi mo aakalaing may mas malalim palang basehan. Ilan lamang iyan sa mga nakatakas sa hagupit ng mga kaluitan ng mga manlulupig.

Buksan ang mga mata, maging mapagmatiyag. Buksan ang mga tenga at pakinggan ang dapt pakinggan. Buksan ang bibig at isigaw ang karapatan ng bawat Pilipino at mabuhay ng may pag-asa!


“Ang SENTIMIENTO NI JUAN ay nakikiisa sa mga Pilipinong
bumubhay ng damdaming makabayan sa bawat Pilipino”

Thursday, June 11, 2009

SIMULAN NA NATIN 'TO



Hunyo 12, 1898 nakamit ang pinakamimithi ng bawat Pilipino -aand KALAYAAN.

Hunyo 12, taong-kasalukuyan ginugunita nating ang isang daan at labing-isang taon matapos dumanak ang pulang dugo sa ilalim ng bughaw na kalangitan, kinitil ang buhay ng mga Pilipinong naghahanap ng karapatan para sa pagkakapantay-pantay ng lahat at hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin tayong lumalaban para sa ating karapatan sa kabila ng mga pinagdaanan nating mga problema mula sa malupit na kamay ng mga taong minsang pinagkatiwalaan ng taong-bayan.

Ano na nga ba ang nangyari sa ating bansa? Sa pagkakalaya nating sa mga dayuhan ay mistulang nabibihag nana man tayo ngunit hindi ng dayuhanm kundi ng kappa Pilipino. Nasaan na ang mga Pilipinong tiningala ng mga dayuhan sa pagiging palaban? May magagawa pa ba tayo?

Ikaw, Pinoy, ang kaisa-isang kasagutan sa ating problema. Nasa atin ang kapangyarihan upang maihaon ang ating bansa sa pagkakalugmok sa putikan. Sa isang Pilipino bilang isang individual dapat magsimula ang lahat. Kumilos ka Pinoy! Hindi lang tayo dapat umasa sa iisang tao o sa isang lupon ng tao. Dapat lahat ng mamamayan ng bansang Pilipinas ay kumikilos para sa ating kinabukasan.

Lagi natin tandaan na palaging mayroong pag-asa. Kaya natin ‘to Pinoy!

Simulan na natin ang pagbabago!