Sunday, June 21, 2009

SI JUAN AT ANG KANYANG SENTIMIENTO

Nabasa natin sa mga libro ang kadakilaan ng ating mga ninuno para mabawi ang ating bansa mula sa mga banyaga. Nakabasa tayo ng mga nobelang nagtatago ng lihim na pagtuligsa. At nasaksihan natin ang milyong-milyong Pilipino na nagkaisa para makalaya sa malupit na rehimen.

Simula’t simula pa lamang ay palaban na ang mga Pilipino lalo na’t kung alam nilang sila ay naaapi at ninanakaw ang kanilang karapatan at kalayaan… Kalayaan sa malulupit na kamay ng mga banyaga, kalayaan sa adminitrasyong mali ang pamamalakad at kalayaang magkaroon ng sariling kalayaan.

Pero sa labang ito, tila nawawala ang mga Pilipinong kabataan at mistulang iniwanan ang mga “matatanda” sa gitna ng laban. Di masabi ang tunay na dahilan kung bakit nawala ang pinakamakapangyarihang sa lahat ng mga mamamayan.

Mistulang binulag na ng makabagaong teknolohiya ang mga mata. Mistulang nabingi ang tenga sa mga paulit-ulit na daing ng taong-bayan. Mistulang naubos na ang boses at tuluyang napipi dahil sa patuloy na pagsigaw para sa katarungan.

Nabulag na ang dating mga matang mapagmatiyag. Nabingi na ang dating mga tengang bawat tunog mula sa lahat ng parte ng bansa ay maddened. Napipi na ang dating boses na sumisigaw para sa katarungan.

Pero hindi lahat ng kabataan ay nabulag, nabingi at napipi. Mayroon pa rin kahit papanong mga kabataang nakatakas sa kalupit ng mga manlulupig. At sila ang pumipilit na buhay muli ang damdaming makabayan sa bawat batang Pilipino.. Nandyaan ang ang kabataan gumagawa ng mga “blogs” na nagmumulat sa mga mata ng Pilipino. Nandyaan ang mga kabataan na mapapanood sa mga telebisyon na nagtatalakay sa mga isyung dapat malaman ng kabataan. Nadyaan din ang mga batang manunulat na patuloy na nagsusulat ng mga obra-masestra na hindi mo aakalaing may mas malalim palang basehan. Ilan lamang iyan sa mga nakatakas sa hagupit ng mga kaluitan ng mga manlulupig.

Buksan ang mga mata, maging mapagmatiyag. Buksan ang mga tenga at pakinggan ang dapt pakinggan. Buksan ang bibig at isigaw ang karapatan ng bawat Pilipino at mabuhay ng may pag-asa!


“Ang SENTIMIENTO NI JUAN ay nakikiisa sa mga Pilipinong
bumubhay ng damdaming makabayan sa bawat Pilipino”

No comments:

Post a Comment