Thursday, June 11, 2009

SIMULAN NA NATIN 'TO



Hunyo 12, 1898 nakamit ang pinakamimithi ng bawat Pilipino -aand KALAYAAN.

Hunyo 12, taong-kasalukuyan ginugunita nating ang isang daan at labing-isang taon matapos dumanak ang pulang dugo sa ilalim ng bughaw na kalangitan, kinitil ang buhay ng mga Pilipinong naghahanap ng karapatan para sa pagkakapantay-pantay ng lahat at hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin tayong lumalaban para sa ating karapatan sa kabila ng mga pinagdaanan nating mga problema mula sa malupit na kamay ng mga taong minsang pinagkatiwalaan ng taong-bayan.

Ano na nga ba ang nangyari sa ating bansa? Sa pagkakalaya nating sa mga dayuhan ay mistulang nabibihag nana man tayo ngunit hindi ng dayuhanm kundi ng kappa Pilipino. Nasaan na ang mga Pilipinong tiningala ng mga dayuhan sa pagiging palaban? May magagawa pa ba tayo?

Ikaw, Pinoy, ang kaisa-isang kasagutan sa ating problema. Nasa atin ang kapangyarihan upang maihaon ang ating bansa sa pagkakalugmok sa putikan. Sa isang Pilipino bilang isang individual dapat magsimula ang lahat. Kumilos ka Pinoy! Hindi lang tayo dapat umasa sa iisang tao o sa isang lupon ng tao. Dapat lahat ng mamamayan ng bansang Pilipinas ay kumikilos para sa ating kinabukasan.

Lagi natin tandaan na palaging mayroong pag-asa. Kaya natin ‘to Pinoy!

Simulan na natin ang pagbabago!

No comments:

Post a Comment