Friday, July 17, 2009

KUNG BAKIT KAMI GANITO NGAYON: TAHANANG WALANG LAMAN

Sa mga pangaral ako’y suyang-suya,
ang lahat ay bawal,
ang lahat ay mali, lahat masama;
Kung aking susundin yaong matatanda,
gusto yatang ako’y
maging tulad nila’t lumaking mulala?

Pati ang suo’t ko’y anilang masagwa,
ayaw sa makipot,
ayaw sa maikli, gusto’s hanggang lupa;
Lahat ng kilos ko ay minamasama
gusto yata ako’y
magparang tulala’t magbalik sa mula?


Kasabay ng pagsibol ng teknolohiya, sabay din ang pagsibol ng kabataan, sabay din sa uso. Mula sa pananamit, sa pagsasalita, at maging sa pananaw lahat ay iba mula sa kinagisnan ng mga matatanda. Tapos na ang panahon ni Maria Clara, hindi na uso ang pagsusuot ng mahahabang palda abot hanggang talamapakan, hindi na uso ang pagsusuot ng mala-polong damit. Hindi na uso ang mga musika-classical kundi ang mga tugtuging makabasag tenga na aming nakagisnan. Ang lahat din ay nadadaan naming sa mabilisan -sa pagtawag, sa pagsasalita, at maging sa pag-aaral; pero tinitiyak namin na kami’y may natutunan.

Mapusok ang kabataan ngayon. Lahat gustong gawin. Eksperimento kung baga pero alam naman natin ang ating limitasyon.

Sa mga pagbabagong iyon, huwag sana tayo agad husgahan dahil lamang sa hindi nila [sa mga nakakatanda] alam ang takbo ng panahon ngayon at ang kalakaran ng ating henerasyon. Sabi nila’y matalino ang ating henerasyon. Pag-asa ng bayan mula kay Rizal. Bakit hindi nila tayo bigyan ng pagkakataong ipakita ang ating magagawa? Kung maging matagumpay tayo gamit ang ating ‘alam’ na paraan edi mahusay, kung tayo nama’y bigo tsaka naman nila tayo alalayan para maituwid ang ating pagkakamali at punan ang puwang ang ating pagkukulang.

No comments:

Post a Comment