Sunday, July 26, 2009

KUNG BAKIT KAMI GANITO NGAYON: LIPUNAN NI JUAN

Naduduwal ako sa samang nagkalat,
Sa katiwaliang
Mga matatanda ang puno at utak;
Ang dangal at puri’y nagdurugong sugat
Sa aking lipunang
Pinaghaharian ng mga mapilak.
Sa lipunang ito ako raw ay lamat,
Ako raw ay batik
Sa magandang ngalan ng aming kaanak;
Aking tinatanggap, oo, ako’y hamak
Sa lipunang itong
Kung pagmalasin ko’y parang isang kapak.

Minulat tayo sa isang lipunang tila unti-unting kinakain ng kanser. Mga katiwaliang pinamulan ng mga matatandang walang pinagkatandaan. Mahirap mamuhay sa isang lipunang nakakasakal at pinamumunuan ng isang taong walang inisip kundi pera lamang.

Kaming bagong henerasyon ay tinik daw sa lipunan dahil sa sobrang kapusukan. Doon nga lang ba natatapos iyon o dahil sa tayo ay isang henerasyon na marunong kumilatis ng isang pangyayari at marunong magtanong ng magtanong?

Siguro nga tinik tayo sa ating lipunan sa kadahilanang lahat ng bagay ay may tanong na kaakibat na minsan ay hindi na nila masagot at minsan ay lumalabas na ang kanilang motibo o tunay na kulay.

Ako’y kabataan ng naghihimagsik,
Pagka’t matalino -
Ang lahat sa aki’y dapat na makinig;
Kabataan akong pag hindi dininig,
Sa kakapo’t ko’y
Magiging Lucifer ng bagong daigdig!

*paunawa: ang lahat ng nailimbag dito sa SNJ ay isang interpretasyon lamang at kinuha ang kais span bilang isang kabuuan at hindi lamang sa isang aspeto.

No comments:

Post a Comment